Bahagi ng national highway sa Pagalungan, Maguindanao del Sur, nangaganib na gumuho dahil sa patuloy na pagbaha

Nanganganib na gumuho ang bahagi ng national highway sa Barangay Layog, Pagalungan, Maguindanao del Sur dahil sa patuloy na pagbaha, na naglalagay sa panganib sa mga motorista.

Ayon sa lokal na pamahalaan, halos tuluyan nang gumuho ang lupa na sumusuporta sa kalsada, na posibleng magdulot ng malawakang pinsala at disrupsyon sa daloy ng trapiko sa Davao–Cotabato Road, isa sa pangunahing rutang nag-uugnay sa mga rehiyon sa Mindanao.

Sa kasalukuyan, pansamantalang dumadaan ang mga sasakyan sa likod ng palengke ng Pagalungan bilang rerouting measure para makaiwas sa hindi inaasahang panganib.

Nagkumpulan na rin ang mga sasakyan na nagdudulot ng trapiko sa lugar.

Mahigit dalawang metro na lamang ay lalamunin na ng malakas na tubig ang bahagi ng kalsada.

Patuloy naman ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa national agencies upang masolusyunan ang krisis at maiwasan ang posibleng trahedya.

Nananawagan din sila sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga pansamantalang traffic advisory habang nilulutas ang problema.

Facebook Comments