BAHAGI SCIENTIFIC RESEARCH? | Pagpapangalan ng China sa undersea feature ng Philippine Rise, hindi dapat ikabahala – Palasyo

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na hindi dapat mabahala ang publiko sa pagbibigay ng pangalan ng China sa undersea features ng Philippine Rise.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi ibig sabihin nito ay inaangkin na ng China ang mga undersea feature na nasa loob ng extended continental shelf o nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Paliwanag ni Roque, bahagi lamang ito ng scientific research ng China at hindi nito inaangkin ang mga nakita nila sa ilalim ng dagat.


Sinabi din ni Roque na bibigyan din ng bansa ng Pilipinong pangalan ang undersea feature na makikita sa Philippine rise.

Matatandaan na sinabi ni Roque kahapon na hindi kikilalanin ng pamahalaan ang pangalang ibinigay ng China sa 5 undersea feature sa Philippine Rise at ikinokonsidera narin aniya ng Embahada ng Pilipinas na gumawa ng hakbang para dito.

Facebook Comments