Cauayan City – Bahagyang mabigat ang nararanasang daloy ng trapiko sa Alicaocao Overflow Bridge ngayong umaga nang muli itong buksan matapos na bumaba ang lebel ng tubig sa ilog.
Sa kasalukuyan ay nasa 38.80 meters na lamang ang lebel ng tubig sa ilog at patuloy pa ang pagbaba ng antas nito kaya naman muling pinayagan ang mga sasakyan na tumawid sa tulay.
Gayunpaman, dahil bahagya pa ring mag tubig sa tulay ay doble pag-iingat at mabagal ang ginagawang pagmamaneho ng mga motorista dahilan upang bumagal ang pag-usad ng mga sasakyan.
Gayunpaman, tuluy-tuloy naman ang ginagawang pagmamando ng mga POSD Personnels sa lugar upang masiguro na magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko sa tulay.
Samantala, tumambad naman sa gilid ng tulay ang gabundok na mga sanga at iba’t-ibang uri ng kahoy na tinangay ng agos ng tubig sa ilog.