Bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, walang kinalaman sa mga bagong variants ayon sa DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na bagama’t bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula noong Abril, wala itong kinalaman sa mga bagong variants.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, Officer-in-Charge ng DOH Epidemiology Bureau, maraming mga dahilan kung bakit nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso ng infection tulad ng paggalaw ng mga tao.

Nilinaw rin ni Dr. de Guzman na ang sub lineage ay hindi magdudulot ng severe na sintomas ng COVID-19 bagama’t madali itong makahawa at dahil madali aniya itong makahawa, posibleng tumaas na naman ang kaso ng admission sa mga ospital.


Nilinaw naman ni Dr. Beverlo Ho na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa, nananatili aniya tayong nasa low risk category.

Gayunman, hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko at magpabakuna kontra COVID-19, bukod sa pagsunod sa health protocols.

Facebook Comments