Higit 76% eligible target population, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umakyat na sa higit 149 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 69 million dito ay fully vaccinated na laban sa virus.

Katumbas ito ng 76.76% mula sa target population ng pamahalaan.


Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, nasa 73.5 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.

Habang umakyat na rin sa higit 13.8 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.

Samantala, sa mga batang edad 5-11 nasa higit 2.6M na ang fully vaccinated habang sa mga edad 12-17yrs old naman ay 9.3-M na ang bakunado laban sa virus.

Facebook Comments