‘BAHALA NA’ | Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, tatakbo bang Senador?

Manila, Philippines – *‘Bahala na’* ito ang sagot ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa mga tanong kung tatakbo siya sa pagka-Senador.

Ayon sa gobernadora, naiinip na ang kanilang pamilya sa nakabinbing resolusyon ng election protest na inihain ng kanyang kapatid na si dating Sen. Bongbong Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Una nang ipinahayag ng Malacañang na hindi mangingialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa electoral protest ni Bongbong.


Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, katungkulan na ng Korte Surprema na resolbahin at tugunan ang naturang election protest.

Facebook Comments