IIMBESTIGAHAN | Multi-billion peso contract hinggil sa pagbili ng Navy frigate ng nakaraang administrasyon, gustong ipasiyasat ng Malacañang

Manila, Philippines – Suportado ng Malacañang ang pagkasa ng imbestigasyon sa multi-billion peso contract hinggil sa procurement ng navy frigate ng nakaraang administrasyon.

Ito’y matapos sabihin ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na ang nanalong bidder sa mga government contracts sa South Korea na *Hyundai Heavy Industries* ay blacklisted dahil sa mga kasong bribery.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa maanomalyang kontrata.


Paglilinaw ni Roque, naging ‘done deal’ ang nasabing kontrata sa nakaraang administrasyon habang ministerial ang ginawa ng Duterte administration sa pagbigay ng notice of award sa nanalong kontrata bilang pagsunod sa government procurement reform law.

Facebook Comments