Simula ng mawala ang alagang aso ni Eddie Collins sa isang gasolinahan noong Abril, nangako siyang hindi hihinto sa paghahanap hanggang tuluyan itong makabalik sa kanya.
Lahat ng paraan ginagawa nito sa pagbabakasakaling makasama ulit si Jenny, pangalan ng alagang chihuahua – mula sa panunuyod sa lahat ng animal shelters sa paligid ng Tucson, Arizona at paghingi ng tulong sa pamamagitan ng social media.
Dahil hindi pa rin niya nakikita si Jenny hanggang ngayon, isang malaking pabuya ang inalok ni Collins sa publiko.
Maliban sa perang gantimpala, ibibigay ng lalaki ang kaniyang bahay at lupa sa sinuman makakapagbalik sa alagang hayop.
“I’m offering a piece of property with a one-bedroom home. I’m willing to give the land, the trailer, the workshop, all of it free and clear, no questions asked. I just want to have Jenny back.”, mensahe ni Collins.
Ayon kay Collins, kapamilya ang turing niya kay Jenny at hindi matutumbasan ng salapi o ari-arian ang pagmamahal sa alaga.
“Whether it be a chipmunk or a squirrel. It depends on the person that owns that animal and what they care for. For me, it’s not about material things, it’s about her,” pahayag ng amo.