City Mayor Bernard Dy, Positibong Matatapos Ngayong Taon ang Sports Complex!

*Cauayan City, **Isabela**-* Patuloy ang pagiging positibo sa pananaw ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan kaugnay sa ipinapatayong City Sports Complex sa Brgy. Tagaran ng Lungsod.

Kasabay ito ng pagiging punong abala ng Lungsod ng Cauayan sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA sa taong 2020.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Faustino Dy, nasa 60 porsiyento na aniya ang natatapos sa ginagawang sports complex kung kaya’t umaasa at positibo ito na matatapos ito ngayong taon bago pa sumapit ang taong 2020.


Hinihintay na lamang aniya ang iba pang mga materyales na gagamitin sa naturang proyekto gaya ng bubong na magmumula pa sa bansang China.

Isang dahilan din aniya ng pag-antala ng nasabing proyekto ay dahil sa nararanasang pag-ulan sa Lalawigan.

Inaasahan naman na papasinayaan ang nasabing sports complex ngayong darating na Disyembre.

Facebook Comments