Bahay-bahay na plate distribution at plate distribution caravan sa mga mall, sinimulan ngayong araw ng LTO-Bicol

Sinimulan ngayong araw ng Land Transportation Office o LTO Bicol na dalhin sa mga bahay-bahay ang pamamahagi ng replacement plate ng mga motorista gayundin ang paggamit sa mga mall para sa releasing ng mga license plate.

Ayon kay Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, alinsunod na rin ito sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na mapabilis at maging maayos ang distribution ng mga plaka na matagal nang nabayaran.

Isinagawa ng LTO Bicol ang “Plate Distribution Caravan” sa mga mall tulad ng SM City Legazpi, Robinsons Mall Naga, SM Daet, Virac Town Center, Gaisano Mall Masbate, at SM City Sorsogon na magtatagal hanggang Agosto-24.


Tiniyak ng LTO na libre ang pamamahagi ng mga replacement plate sa mga bahay-bahay.

Facebook Comments