Manila, Philippines – Bentang-benta ngayon ang isang unique at napakadaling gawing bahay na yari sa Styrofoam.
Marami ang nagsasabi na wala ng silbi at delikado sa kalikasan ang mga styrofoam pero ibahin niyo ang ginawang diskarte ng Japan dome house na kung saan napakinabangan nila ito ng husto.
Ayon nasabing kumpaniya, naisip nila ang ganitong design ng bahay matapos tumama ang 7.0 magnitude na lindol sa Kumamoto City kaya’t karamihan sa mga nakatira doon ay inilipat sa temporary housing.
Hindi din daw dapat magdalawang isip ang mga kukuha ng kanilang pabahay dahil higit na mas matibay ang ginawa nilang styro na may 80 kilogram ang bigat at mahigit 50% ang laki sa original size.
Mas ligtas din daw ito sa lindol at sa pag-uulan kung saan maari din daw mabuo ang styrohouse ng tatlong katao at aabot lamang ang halaga nito sa $78,500. (P3,886,142.00)
DZXL558