Bahay nasunog ng tamaan ng kidlat sa Kidapawan City

Isang bahay ang nasunog ng tamaan ng Kidlat sa Kidapawan City kahapon. Ang nasabing bahay ay pag aari ni Melonila Lakbayo.Wala sa bahay ang may ari ng tamaan ito ng kidlat at masunog ang bahay.Walang naisalbang gamit dahil itoy tinupok lahat ng apoy.
Malakas ang buhos ng ulan kahapon kasunod ng pagkidlat at dito nasapol ang bahay hanggang sa masunog.
Agad ding nakapagresponde sa lugar ang mga pamatay sunog kabilang ang Call 911 ng Kidapawan City.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments