MAYABANG AT MAANGAS │ VP Robredo, bumanat sa mga gumawa ng fake news laban sa kanya

Manila, Philippines – Napuno si Vice President Leni Robredo at naglabas ang kanyang saloobin sa twitter.

Hindi na nakapagpigil si Robredo sa mga gumagawa ng fake news laban sa kanya.

Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Robredo na walang bahid ng pagsisisi, walang kahihiyan, mayabang at maangas ang mga umano’y mga dumalo sa pagdinig ng senado hinggil sa fake news.


Bagamat, hindi tinukoy ni Robredo kung sino ito, magugunitang dumalo si Presidential Communications Asec. Mocha Uson at at Foreign Affairs Consultant Rj Nieto.

Matatandaan na may mga kumalat na isyu tungkol sa #Lenileaks kung saan iniuugnay si Robredo sa tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa pwesto.

Tumugon naman ni Uson sa mga pasaring ni Robredo.

Ani Uson, maging si Robredo ay nagpadala ng fake news video sa United Nations na nakasakit din umano sa damdamin ng mga Pilipino lalo na sa mga nasa abroad.

Facebook Comments