Bahay ng Asawa ni dating Mayor Jesus Miranda, Tinupok ng Apoy

520

*Cauayan City, Isabela*- Tinupok ng apoy ang bahay ng asawa ni dating Mayor Jesus Miranda sa Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela bandang 7:05 kagabi. (Nov.8,2019)

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SFO3 Jaymar Domingo, Fire Marshall ng BFP San Mariano, nakatanggap sila ng tawag mula sa isa sa may ari ng bahay na nagngangalang Joshua Miranda na nasusunog ang kanilang bahay sa nasabing lugar.


Ayon pa kay SFO3 Domingo, batay sa kanilang naging panayam kay Ginoong Miranda ay bigla umano nagbrownout at nang bumalik na ang suplay ng kuryente ay bigla nagkaroon ng pagliyab sa kanilang loob ng bahay na agd naman nirespondehan ng mga fire team.

Dagdag pa nito na hindi agad naapula ang apoy na umakyat na sa ilang alarma kaya’t kinailangan na rin ng tulong mula sa mga kapalit na fire station sa Bayan ng Benito Soliven.

Tinatayang aabot sa kalahating milyong piso (P500,00.00) ang inisyal na pinsala sa nangyaring sunog.

Nagpaalala naman ang mga otoridad na ugaliin tignan lahat ng mga saksakan ng mga pangunahing appliances at maging ang paggamit ng gasul sa pagluluto ay tignan din mabuti para maiwasan ang sunog.

Facebook Comments

From Advertisers