ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

Dalaga na Top 2 sa Midwife Licensure Examination, Lyceum of Appari Alumna

*Cauayan City, Isabela*- Inspirasyon ng isang dalaga ang kanyang pamilya matapos na mag Top 2 nationwide sa katatapos na Midwife Licensure Examination at mailabas ang listahan ng mga nakapasa ngayong buwan ng Nobyembre.

Kinilala ang dalaga na si Maricole Urian Canillo mula sa paaralang Lyceum of Appari sa Lalawigan ng Cagayan.

Nakakuha ito ng 89.75 percent sa nasabing pagsusulit habang ang Top 1 ay nakakuha ng iskor na 90.95 percent.

Inanunsyo naman ng Professional Regulation Commission na 1, 068 ang nakapasa sa Midwife Licensure Examination sa kabuuang 2,219 ang aplikante sa nsabing pagsusulit sa buong bansa.

Facebook Comments