Bahay ng drug lord na si Rustico Ygot sa Dumaguete, ipapasara na rin ng PNP

Nakatakdang isara bukas ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isa pa sa ari-arian ng drug lord na si Rustico Ygot sa Dumaguete.

Si Ygot ay namatay sa nangyaring riot noong October 2020 habang nakakulong sa New Bilibid Prison.

Nadiskubre ng pulisya na kahit nakakulong sa NBP noong nabubuhay pa ay nagpapatuloy ang milyon-milyong transaksyon ng iligal na droga.


Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, kasama nila ang mga taga Anti -Money Laundering Council o AMLC sa pagpapasara ng house and lot ng drug lord bukas.

Layunin aniya nitong hindi na maibenta pa ang ari-arian kaya kailangang gawing ang freeze order.

Sinabi pa ni Sinas, ang freeze order na ito ay may kinalaman din sa freeze order sa mga ari-arian ng drug lord na si Charlie Duhaylungsod, ito ay ang kanyang malaking bahay sa isang exclusive subdivision sa Cubacub, Mandaue City nang nakaraang linggo.

Matatandaang una nang iniutos ni Sinas sa Criminal Investigation and Detection Group na imbestigahan ang mga ari-arian ng mga drug lord sa bansa.

Facebook Comments