Bahay ng Guro, Nakumpiskahan ng Iligal na Pinutol na Kahoy

Cauayan City, Isabela- Inaresto ang isang guro sa bisa ng search warrant dahil umano sa pagtatago ng iligal na pinutol na kahoy bandang 6:40 kagabi sa kanyang bahay sa Brgy. Callungan, Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang Guro na si Darwin Tabije, 30-anyos at residente sa nasabing lugar.

Agad na nagtungo sa tahanan ng target ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC) at Sta. Praxedes Police Station sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Gemma Bucayu-Madrid ng RTC Br. 12 Sanchez Mira Cagayan.


Nadatnan ng operatiba ang maybahay ng guro dahil wala mismo sa lugar ag mister nito kaya’t sa presensya ng mga opisyal ng barangay ay ipinaliwanag ng pulisya ang nilalaman ng utos mula sa korte na halughugin ang bahay nito dahil sa pagtatago ng mga iligal na kahoy.

Sa ginawang pag-iikot sa bahay ng guro, tumambad ang iba’t ibang sukat ng pinutol na kahoy gaya ng 1pc 8x11x4, 1pc 5x12x3, 1pc 8x13x8 at 2pcs 2x8x6 at lahat ay puno ng Narra at tinatayang 121bdft, 1pc 1x8x6, 1pc 1x12x9, 1pc 1x8x8, 1pc 2x6x12, 1pc 2x6x15, 1pc 2x4x12, 1pc 1x15x15 and 1pc 2x6x5 at lahat ay pawang punongkahoy ng Tanguili at may kabuuang sukat na 76 bdft.

Dinala agad ang mga kumpiskadong kahoy sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments