Bahay ng Isang Empleyado ng LGU Sta. Maria, Pinagbabaril!

*Sta. Maria, Isabela- *Pinagbabaril kagabi ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang empleyado ng LGU sta. Maria sa brgy. San Antonio, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang biktima at may-ari ng bahay na si Maria Conception Toda, MPCD ng nasabing bayan kasama sina Vice Mayor Danilo Sy Masigan at kapatid ni Toda na si Gerald Cabauatan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP Sta. Maria, palabas umano ng bahay sina Vice Mayor Masigan at Gerald Cabauatan mula sa bahay ni Toda nang bigla umanong pumasok sa gate ang dalawang suspek at tinutukan ng baril ang isang caretaker na kasalukuyang nagbubukas ng gate.


Dito na umano pinaputukan ng dalawang suspek ang bintana ng bahay ni Toda maging ang sasakyan ni Masigan at agad na umalis ang mga suspek na umano’y nasa anim na katao.

Wala naman umanong nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments