Magsasaka sa San Mateo, Isabela, Huli dahil sa Kasong Swindling

*San Mateo, Isabela- *Arestado ang isnag magsasaka matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito bandang alas dose y medya kaninang tangahali sa brgy. Malasin, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Benny Abbago Palacio, singkwentay tres anyos, isang magsasaka at residente rin ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Palacio sa bisa ng Mandamiento de Aresto na ipinalabas ni hukom Eric Banasan ng MTC San Mateo, Isabela dahil sa kasong Swindling.


Pansamantala namang makakalaya si Palacio kung makapaglagak ng kanyang piyansang dalawang libong piso.

Facebook Comments