Bahay ng isang guro nasunog kagabi

Ibajay, Aklan— Sa ikalawang araw ng Fire Prevention month, natupok ng apoy ang bahay ng isang guro sa Brgy. San Jose, Ibajay Aklan kagabi.
Nakilala ang may ari na si ginang Marivel Tubo 47 anyos residente ng nasabing lugar at nagtuturo sa San Jose Elementary School.
Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Brgy. Kapitan ng San Jose na nasusunog ang naturang bahay dakong alas 11:00 ng gabi.
Kaagad na rumesponde ang mga myembro ng Bureau of Fire Protection Ibajay para apulahin ang apoy kung saan idineklarang fire out ang sunog kaninang ala 1:00 ng madaling araw.
Aabot sa P400,000 ang pinasala ng naturang sunog at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng apoy.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARCc3mEG8plFJ8Vf6SoUJSK0Uu_IJNC0jGXoPFkD008riz9Vg64RASirJve3Ciw9awFV7CmpIJegjwDg_Oik3ps8wskT26wyAW-gPyaK7prhmMmgKJsW…>

Facebook Comments