Kotseng itim na kinarnap ng mga suspek, may ‘sakay’ palang patay

4159
Image from Associated Press

PASADENA, CALIFONIA – Kinarnap ng mga kawatan ang isang kotseng itim na may sakay daw na patay.

Batay sa ulat ng KTLA, tinangay ng mga magnanakaw ang nakaparadang Lincoln Navigator sa labas ng Greek Orthodox church noong gabi ng Pebrero 25.


Inihatid daw ng drayber ang isang kabaong kaya naiwang nakabukas ang makina nito.

Pero ayon sa pulisya, dalawa pala ang ataul sa loob ng ninakaw na sasakyan at may naiwan pa roon na isang bangkay ng babae.

Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang Los Angeles Sheriff County na isauli man lang kahit ang labi.

 

“Out of all the bad decisions you have made, at least make one good one & bring back the deceased person & casket inside the Navigator,” pahayag ng awtoridad.



Natunton ng mga operatiba ang kinaroroonan ng Lincoln Navigator makaraang makipag-ugnayan ang isang residente na nakabasa raw ng tweet.

Pero imbis na sumuko, nakipaghabulan pa ang mga carnapper sa mga pulis. Naaresto ang mga salarin matapos bumangga ang kotseng tinangay sa isang SUV.


Maliban sa sasakyang itim, nabawi din ng kinauukulan ang bangkay.

Facebook Comments