Bahay ng Isang Lalaki sa San Mateo, Isabela, Nasamsaman ng mga Iligal na Droga!

*San Mateo, Isabela- *Pinaghahanap na ngayon ng mga alagad ng batas ang isang lalaki matapos tumakas at masamsaman ng iligal na droga sa isinagawang Search Warrant ng PNP San Mateo bandang 5:30 kaninang umaga, Hulyo 27, 2018 sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang at large na lalaki na si Gerfil Sebastian alyas β€œJhong Sebastian”, nasa tamang edad at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nagkasa ng Search Warrant ang PNP San Mateo na inihain ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauayan City, Isabela laban sa suspek subalit ito ay nakatakas.


Nakumpiska naman mula sa loob ng bahay ng suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments