Notoryus na Magnanakaw sa Bambang, Nueva Viscaya, Natimbog ng Kapulisan!

*Bambang, Nueva Viscaya-* Nasakote na ng kapulisan ang isang lalaking notoryus sa pagnanakaw sa brgy. Macate, Bambang, Nueva Viscaya.

Kinilala ang notoryus na suspek na si Ramel Modejar, bente anyos, binata at residente ng brgy. Calaocan, Bambang, Nueva Viscaya habang ang kapatid nitong kasama na si Justin Mondejar ay nakatakas ng makita ang mga otoridad.

Batay sa nakuhang kaalaman ng Rmn Cauayan, nadakip si Ramel Modejar matapos makatanggap ng impormasyon ang kapulisan na umanoy nanakawan ang isang gusali malapit sa nasabing lugar.


Narekober mula sa pag iingat ng suspek ang sampung libong piso, isang sachet ng shabu, isang calibre 22 revolver, limang bala ng calibre 22, isang piraso ng barreta, sirang padlock, puting maskara, flashlight, bakal, wire, tool fliers, isang lagari, sling bag, itim na jacket, dalawang pirasong kapote at isang motorsiklong walang plaka.

Nasa kustodiya na ng PNP Bambang si Ramel Modejar na mahaharap sa kasong Pagnanakaw.

Facebook Comments