Bahay ng isang magsasaka, sinalakay ng mga otoridad; mga baril at bala, nakumpiska!

*Angadanan, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang magsasaka matapos masamsaman ng mga iligal na baril at bala sa bahay nito sa isinilbing Search Warrant ng mga otoridad kahapon sa Brgy. Lourdes, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Vicente Bungcag Taguba, 40 anyos, may asawa at nakatira rin sa nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, sinilbihan ng Search Warrant si Taguba dahil sa paglabag nito sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Nakumpiska sa bahay ni Taguba ang sampung piraso ng bala ng Cal. 45, isang piraso ng Steel magazine ng Cal. 45, dalawang piraso ng Short Steetl Magazine ng M16, at isang piraso ng Steel Magazine ng 9mm.

Dinala na sa CIDG-ISABELA ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments