Bahay ng Vice Mayor ng Puerto Princesa Palawan, sinalakay ng PDEA National

Manila, Philippines – Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ni Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida III.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Hon. Reynaldo Alhambra kaugnay sa kasong may kinalaman sa droga, hinalughog ng pinagsanib pwersa ng PDEA at Palawan Provincial Police Office ang bahay ng bise alkalde.

Ayon kay PCSupt. Graciano Mijares – aabot sa 30-sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa bahay nito sa Barangya Bancao Bancao sa Puerto Princesa City.


Nakakuha din ang mga otoridad ng isang .22 cal. rifle, tatlong rifle grenade, isang fragmentation grenade at apat na 45 cal. pistol.

Si Marcaida ay isa umano sa mga high value target ng PNP Palawan.

Facebook Comments