Bahay ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic sa Misamis Oriental, nilusob ng Martial Law Special Action Group

232

Marawi City – Nilusob ng kapulisan at Martial Law Special Action Group o ML-SAG ang bahay ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic sa Magsaysay, Misamis Oriental kaninang umaga.

Gamit ang search warrant napasok ng mga otoridad at mga opisyal ng barangay ang bahay ni Salic.

Nakuha ng mga ito ang isang MK2 fragmentation grenade, dalawang rifle grenade, isang 40mm cartridge, 30 rounds 5.56mm live ammunitions, anim na non electrical blasting cap, isang customized electric switch, isang pilot valve na nakakabit sa jack connector, isang 9 volts battery at dalawang pack ng hindi pa nakilalang kulay abo na powder.


Facebook Comments