Los Angeles – Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ni Pinoy Boxing Legend Manny Pacquiao sa Los Angeles.
Isang araw ito matapos na madepensahan ng Pambansang Kamao ang kanyang WBA Welterweight Belt laban sa American Boxer na si Adrien Broner.
Nagsasagawa umano ng routin patrol ang pulisya nang makitang bukas ang pinto ng bahay ni pacquiao sa Hancock Park, Linggo ng gabi.
Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan.
Ito na ang ikalawang beses na nilooban ang naturang bahay ng Fighting Senator.
Facebook Comments