MILF – kumpiyansang boboto ng "yes" sa BOL ang mga lalahok sa plebesito

Kumpiyansa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maaprubahan ang ratipikasyon ng Bangsomoro Organic Law (BOL) sa Mindanao.

Ayon kay MILF Chairman Murad Ebrahim – confident siya na bobotong “yes” para sa BOL ang mayorya ng lalahok sa plebesito.

Tiyak aniya ito basta’t walang mangyayaring manipulasyon o pananakot.


Nabatid na nasa 2.8-milyong taga-Mindanao ang makikiisa sa plebesito na pormal nang binuksan kaninang umaga.

Pagkatapos ng plebesito, magkakaroon umano ng transition government hanggang 2022 na pangungunahan ng MILF.

Facebook Comments