Manila, Philippines – Pinaparepaso ni Senator Leila M. De Lima ang implementasyon ng Bahay Pag-asa program kung saan ipinapasok ang mga menor de edad na nakagagawa ng paglabag sa batas.
Ayon kay De Lima, layunin nito na mabusisi kung umaayon sa itinatakda ng Juvenile Justice and Welfare Act ang sistemang nakalatag sa mga Bahay Pag-asa para sa rehabilitasyon ng mga children-in-conflict-with-the-law.
Ang hakbang ni De Lima ay sa harap ng panukala na ibaba sa dose anyos ang kasalukuyang kinse anyos na minimum age of criminal responsibility.
Sa impormasyon ni De Lima, ay malaki pa ang kakulangan ng mga Bahay Pag-asa Centers sa buong bansa at hindi rin maayos ang kondisyon dito bukod pa sa may mga insidente din ng hindi tamang pagtrato sa mga batang ipinapasok dito.
Inihalimbawa ni De Lima ang isang 14-anyos na binatilyo na nagtamo ng mga sugat makaraang suntukin umano habang natutulong sa loob ng Bahay Pag-asa sa Mandaluyong City.