Bahay, pinasok ng 3-metro na buwaya

Courtesy Twitter/Clearwater Police Department

Isang bahay sa Florida ang pinasok ng 11 feet o katumbas ng 3.4 metro na buwaya.

Basag ang bintana sa kusina na pinasukan nito at ilang bote ng red wine.

Wala namang sugatan sa pangyayari, ayon sa tweet ng Clearwater Police Department.


Salaysay ni Mary Wischhusen, may-ari ng bahay, agad siyang nagpunta sa kwarto at nagsara ng pinto, saka tumawag sa pulisya, nang makita niya ang gumagalang buwaya.

Inabot naman ang 10 pulis, at dalawang trapper nang dalawang oras bago mahuli at maalis sa loob ng bahay ang buwaya.

Facebook Comments