Binata, ‘Di Nakapalag sa Buy Bust!

*Tumauini, Isabela- *Hindi na nakapalag sa mga otoridad ang isang binata matapos mahulog sa Drug Buy Bust Operation na inilatag sa Brgy. Lingaling Tumauini, Isabela.

Nasukol ang suspek na si John Aldreich Isla, 23 anyos, single, driver at residente ng Brgy. Antagan 1st Tumauni, Isabela.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Isla ang isang sachet ng hinihinalang shabu, tatlong piraso ng pinatuyong marijuana, dalawang unit ng cellphone, isang posporo, isang posporo na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana at isang walang laman na pakete ng sigarilyo.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Tumauini Polce Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments