BAHAY SA BAYAN NG CABA SA LA UNION TINUPOK NG APOY

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa bahay sa bayan ng Caba, sa lalawigan ng La Union.
Ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ng isang Dante Vergara na isang old residential house.
Lumalabas sa imbestigasyon na napansin umano ng may-ari ng bahay ang isang makapal na usok na nagmumula sa mismong tahanan nito.

Nang tignan ay mabilis ng kumalat ang apoy dahil sa may kalumaan na ang nasabing bahay.
Agad naman itong naapula at wala namang naiulat na nasaktan sa insidente habang inaalam pa ang kabuuang danyos sa nasabing sunog. |ifmnews
Facebook Comments