MANGINGISDA SA BAYAN NG INFANTA BIGONG MAKAUWI MATAPOS PUMALAOT

Patuloy pa rin ang paghahanap sa isang mangingisda nang bigo itong makauwi ng bahay matapos pumalaot sa bayan ng Infanta.
Ang nasabing mangingisda ay nakilalang si Jerry Mojares, residente ng Brgy. Nayom sa nasabing bayan.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, madaling araw ng Enero 31 nang pumalaot ang nasabing mangingisda subalit hindi na ito nakabalik ng bahay.

Tinangka pa itong hanapin ng mga kaanak subalit bigo ang mga ito at tanging ang sirang bangka lamang nito ang natagpuan.
Ipinagbigay alam na ito sa mga kinauukulan upang matulungan mahanap ang nasabing mangingisda. |ifmnews
Facebook Comments