Bahay, Tinupok ng Apoy sa Cagayan!

56

*Cauayan City, Isabela- *Natupok ng apoy ang isang bahay na gawa sa light materials sa Brgy. Catugay, Baggao, Cagayan.

Ganap na alas 9:00 ng umaga kahapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng 45 anyos na si Margie Estrella.


Ayon sa biktima, iniwan umano nito ang kanyang 6 taong gulang na anak sa loob ng kanilang bahay upang makapaglaba ng kanilang mga damit.

Lumipas ang ilang sandali ay nakaamoy ng nasusunog na plastic ang biktima kaya’t agad na pumasok sa kanilang bahay at nakita na lamang na nasusunog na ang kanilang kwarto.

Agad naman nitong nailabas ang anak na kasalukuyang nanonood ng TV sa sala.

Lumabas sa imbestigasyon ng otoridad na naglaro umano ng posporo ang anak ng biktima at aksidenteng nasindihan na naging sanhi ng sunog.

Umabot ng dalawang oras bago maapula ang sunog at naideklara ang fire-out alas 11:00 na ng umaga.

Facebook Comments