Sundalo biktima ng pamamaril

53

Nagpapagaling pa rin ngayon sa isang pagamutan ang isang Army PFC Rayan Jay Itao, 24 anyos matapos mabiktima ng pamamaril sa De Mazenod Avenue sa Cotabato City , mag-aalas 4 kahapon.
Sakay ng kanyang motorsiklo si PFC Itao magmula sa kanyang hometown sa Midsayap pabalik ng Kampilan Division sa Awang Datu Odin Sinsuat kung saan ito nakadestino.
Pagsapit sa De Mazenod Area ay bigla itong pinagbabaril ng di nakilalang riding in tandem criminals. Tama sa kanyang balikat at leeg ang natamo ng biktima.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa maaring dahilan ng pamamaril.
Nakaalerto naman ngayon ang mga kasundaluhan sa ibat-ibang bahagi ng kani-kanilang nasasakupan.
Kampilan Pic

Facebook Comments