Bahrain, inprubahan na ang paggamit ng Pfizer-BioNTech COVID vaccine

92
Photo Courtesy: Al Jazeera

Inaprubahan na ng Bahrain bilang emergency use ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ang Bahrain ang ikalawang bansa na nag-apruba ng emergency use ng nasabing bakuna kasunod ng United Kingdom.


Ayon kay National Health Regulatory Authority CEO Mariam Al-Jalahma, ang nasabing hakbang ay isang mahalagang COVID-19 response ng kanilang bansa.

Hindi naman nito binanggit kung kailang magsisimula ang nasabing pamamahagi ng bakuna.

Una na ring inaprubahan ng Bahrain noong Nobyembre ang paggamit ng Sinopharm vaccine ng China para sa kanilang mga frontline healthcare workers.

Facebook Comments