BAI, aminadong nagkulang sa pagbabantay laban sa African swine fever

Manila, Philippines – Inamin ngayon pinuno ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) na nagkulang nga ang apat nilang tauhan sa NAIA kung kaya at nasibak sila sa puwesto.

Ayon kay Dr. Ronnie Domingo OIC Director ng Bureau of Animal Industry (BAI) hindi agad naaksyunan ng kanilang quarantine group na magpatupad ng quarantine protocol kontra sa African swine fever sa pamamagitan ng paglalagay ng foot bath sa mga pasahero.

Ayon kay Dr. Domingo, puwede sana gumawa ng customized o temporary foot bath ang apat na quarantine opisyal sa NAIA ngunit nabigo umano sila.


Inamin naman ng opsiyal na posibleng problema sa procurement o sa paged-deliver ng kanilang mga biniling foot bath ang dahilan.

Ito ay malalaman nila sa ginagawa nilang imbestigasyon kung bakit na delay ang pag-install ng foot bath sa NAIA.

Facebook Comments