BAI, binalasa!

Mayroon ng bagong pinuno ang Bureau of Animal Industry (BAI).

Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), inanunsyo ni Assistant Secretary Noel Reyes ang paghirang ni Agriculture Secretary William Dar kay Dr. Reildrin Morales bilang bagong Director ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Pinalitan niya si Dr. Ronnie Domingo na itinatalaga bilang Director ng Philippine Carabao Center.


Ayon naman kay Director Morales, malinaw ang atas sa kaniya ng kalihim na magdoble-kayod upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Sa ilalim ni Morales, pamamahalaan niya ang implementasyon ng 400 milyon na repopulation program sa industriya ng babuyan.

Aniya, prayoridad nila ang muling pagpaparami ng pig stock sa mga ASF-free na rehiyon at sa mga lugar na napalaya na sa ASF.

Aniya, isang elevated response ang kanilang ikinakasa upang tapusin ang problema.

Ani Morales, magmula nang sumalanta ang ASF, abot sa 36% o katumbas ng 4 million na mga baboy ang nawala sa supply chain.

Facebook Comments