Bajo de Masinloc, dinagsa ng mga mangingisdang Pinoy sa kabila ng presensya ng mga Tsino

30 hanggang 40 Filipino fishing boats ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang aerial surveillance sa vicinity waters ng Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, namataan din nila sa bisinidad ng Bajo de Masinloc ang 4 na barko ng Chinese Coast Guard.

Anila, kalmado naman sa lugar at wala namang naging tensyon sa pagitan ng PCG at ng Chinese Coast Guard silang na-monitor na pambu-bully ng mga Tsino sa lugar.


Kaugnay nito, hinihimok ng Philippine Coast Guard ang iba pang mga mangingisdang Pinoy sa mangisda sa Bajo de Masinloc.

Layon din ng aerial surveillance ng PCG na mabigyan ng seguridad ang mga Pilipinong nagsasagawa ng fishing activities sa naturang karagatan.

Facebook Comments