BAKBAKAN | 3 CAFGU patay sa engkwentro sa Masbate

Masbate – Nasawi ang tatlong CAFGU matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army at mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) kaninang umaga sa Barangay Mactan, Cawayan, Masbate.

Ayon kay PNP Region 5 Regional Director Police Chief Superintendent Arnel Escobal alas 8:30 ng umaga kanina nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga sundalo at CAFGU nang makarating sa Barangay Mactan ay na-engkwentro ang mga miyembro ng NPA.

Dito na nasawi ang tatlong CAFGU habang hindi naman matukoy ng militar kung ilan ang nasawi at sugatan sa sagupaan.


Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng militar sa mga nakasagupaang NPA.

Facebook Comments