BAKBAKAN | Dalawang NPA patay sa magkasunod na engkwentro sa Davao City

Davao City – Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos na magkasunod na engkwentro ng tropa ng Philippine Army at mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Carmen Baguio Dist Davao City kahapon ng hapon.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lieutenant Colonel Louie Villanueva, alas-3:25 ng hapon kahapon nang maganap ang unang sagupaan sa pagitan ng 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army at 30 miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Alas 5:34 ng hapon rin kahapon muling nagkasagupa ang dalawang panig na pinakamatagal ay dalawang oras.


Nagresulta ito sa pagkasawi ng dalawang miyembro ng NPA at pagkasugat ng isang sundalo.

Narekober naman ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang Improvised Explosive Device (IED).

Agad rin dinala sa Camp Panacan Hospital sa Davao City ang sugatang sundalo.

Pinuri naman ni Major General Noel Clement, ang Commander 10th Infantry Division ng Philippine Army ang naging accomplishment ng kanyang mga tauhang at sinabing walang puwang ang mga NPA sa mga cleared barangay sa lugar.

Facebook Comments