BAKBAKAN NA | Argentine boxer Lucas Matthysse, posibleng makalaban ni Manny Pacquiao sa kanyang April fight

74

Manila, Philippines – Malaki ang tiyansa na ang Argentine boxer na si Lucas “The Machine” Matthysse ang makalaban ni 8-division world champ Manny Pacquiao.

Ayon sa assistant coach ni Pacman, perfect ang mga professional boxing record ni Matthyse para sa April fight ng fighting senator.

Nito lang Enero nang masungkit ng Argentine boxer ang WBO welterweight title matapos pabagsakin sa ring ang Thai boxer na si Tewa Kiram.

Sa apatnapu’t apat niyang laban, 39 ang panalo kung saan 36 rito ay via knockout.

July 2017 naman nang huling lumaban si Pacman na tinalo ng Australian boxer na si Jeff Horn.

Facebook Comments