CHINESE NEW YEAR | Number coding scheme, suspendido sa Biyernes

392

Manila, Philippines – Suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila sa Biyernes, February 16.

Ito ay para bigyang daan ang selebrasyon ng Chinese New Year.

Pero sa abiso ng MMDA, may number coding pa rin sa Makati at Las Piñas City.

Magpapatupad din ng Stop-And-Go Traffic Scheme partikular sa Reina Regente sa Binondo, Maynila.

Sa Huwebes naman, February 15 sisimulan na ng Manila Police District ang pagbabantay sa China Town na siyang dinarayo tuwing Chinese New Year.

Idineklarang special non-working holiday sa Biyernes.

Facebook Comments