BAKBAKAN NA | Donnie Nietes at Brian Viloria, handa na sa magiging laban sa Califronia sa darating na linggo

Califronia – Handang-handa na sina Donnie “Ahas” Nietes at Brian “The Hawaiian Punch” Viloria sa kanilang magiging laban sa Califronia sa darating na linggo.

Idedepensa ni Nietes ang hawak na world flyweight title kontra Juan Carlos Reveco ng Argentina habang tatangkain naman masungkit ni Viloria ang bakanteng world flyweight championship laban kay Artem Dalakian ng Ukraine.

Ito na ang ika-46 na pagdedepensa ni Nietes sa kaniyang titulo sa loob ng mahigit sampung taon kung saan muli naman patutunayan ni Viloria na kaya pa niyang maging isang kampeon.


Lalaban ang dalawa bilang undercard fight sa main event kung saan dedepensahan ni Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand ang hawak na WBC Superflyweight Crown laban kay Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Facebook Comments