BAKBAKAN NA | Kampo ni Pacquiao, puspusan ang paghahanda laban kay Lucas Matthysse

Manila, Philippines – Muling masusubukan ang bilis ng kamao na si 8-division boxing world Champion Manny Pacman Pacquiao na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kaya naman puspusan na paghahanda ng kampo ni pacquiao para sa laban nito kay WBA welterweight champion Lucas “The Machine ” Matthysse sa Hunyo 24.

Una nang sinabihan ni dating two-time world champion Gerry Penalosa si Pacquiao na dapat itong mag-focus sa training dahil mabangis din na boksingero si Matthysse.


Ang Pacquiao Vs Matthysse Fight ay itinuring na unang world title match sa naturang bansa matapos ang apatnapu’t tatlong (43) taon.

Facebook Comments