Manila, Philippines – Inaabangan na ngayon ng mga fans ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao kung sino ang makakalaban nito sa Abril.
Nabatid kasi na hanggang Biyernes na lamang ang ibinigay kay Pacman upang pumili ng susunod nitong makakaharap sa boxing ring.
Dahil dito, agad sisimulan ni Pacquiao ang training sa Pebrero kung saan second option ang Elorde Boxing Gym sa Pasay City upang doon gawin ang session para malapit lang sa Senado.
Sa ngayon, inaayos na din ang magiging schedule ng training ni Manny at isa sa mga plano ay magpupunta muna ito sa Senado sa umaga matapos ang jogging saka dederetso sa boxing gym sa hapon.
Facebook Comments