CON-ASS | Desisyon ng Senado, dapat hintayin ng Kamara – SP Koko Pimentel

Manila, Philippines – Inihayag ni Senate President Koko Pimentel na dapat hintayin ng Kamara ang desisyon ng Senado sa pag-amyenda ng konstitusyon.

Ayon kay Pimentel – tiwala silang hindi itutuloy ng Kamara ang Constituent Assembly para sa pag-amyenda ng saligang batas.

Kasunod na rin kasi ito ng pagpapadala ng Kamara ng resolusyon para sa kooperasyon na nagpapa-convene sa kongreso bilang Constituent Assembly.


Sa susunod na buwan ay inaasahan ni Pimentel na may report na ang Senado kaugnay sa Charter Change.

Facebook Comments