Bakbakan ni Senator Manny Pacquiao at Jeff Horn, may free viewing sa mga residente sa Cagayan De Oro at Misamis Oriental

185

Mindanao – Live na masasaksihan ng mga fans ni Senator Manny Pacquiao na taga Misamis Oriental kahit mga residente ng lungsod ng Cagayan de Oro ang kanyang laban kay Jeff Horn dahil libre ito ngayong ika-dalawa ng Hulyo.

Ayun kay Gobernador Bambi Emano, nagpalabas na siya ng kautusan kay Engineer Jun Balo, head ng Provincial Engineering Office sa Kapitolyo na mag-set up ng kagamitan sa Capitol grounds upang saksihan ang away ni Manny Pacquiao laban kay Australian boxer Jeff Horn.

Matatandaang tuwing may away si Pacquiao sa labas ng bansa, nagsasagawa naman si Governor Emano ng free viewing sa capitol grounds.


Facebook Comments