BAKBAKAN | Pagbabalik-ring ni Manny Pacquiao, gaganapin sa Malaysia sa Hunyo

Manila, Philippines – Sa Malaysia gaganapin ang laban ni 8-Division Boxing World Champ Manny Pacquiao.

Kinumpirma mismo ito ng Pambansang Kamao kasunod aniya ng hiling ng mga taga-Malaysia doon gawin ang susunod niyang laban na posibleng mangyari sa Hunyo.

Pero hanggang ngayon, pina-plantsa pa ng kanilang kampo kung sino kina Lucas Matthysse ng Argentina at Danny Garcia ng Amerika ang kanyang makakalaban.


Samantala, nagsimula na ring mag-ensayo para sa laban niya sa Abril si IBF Super-Flyweight Champion Jerwin Ancajas.

Dahil sa mandatory defense, makakalaban ni Ancajas ang top contender ng bansa na si Jonas Sultan Ala Boxing of Cebu.

Facebook Comments