Bakbakan sa pagitan ng Pamahalaan at Umano’y NPA, Sumiklab sa Cagayan

65

Cauayan City, Isabela- Sumiklab ang palitan ng putok ng baril sa pagitan ng tropa ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cagayan Police Provincial Office at mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Brgy. Mabuno sa bayan ng Gattaran ngayong araw, June 7,2021.

Una rito, nagsasagawa ang kapulisan ng “Libre Project Pabahay” sa bahagi ng Sitio Sicalao ng paputukan umano ng mga hinihinalang rebeldeng grupo ang mga otoridad mula sa kalayuan na pwesto.


Kaagad namang nakasaklolo ang isa pang pangkat ng 2nd PMFC at ang Alpha Company ng 77th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Dahil dito, tumagal ng limang (5) minuto ang palitan ng putok ng baril hanggang sa umatras na ang hanay ng rebelde dahil sa tumitinding reinforcement mula sa tropa ng pamahalaan.

Maswerteng walang naiulat na nasawi o sugatan sa panig ang pulis at kasundaluhan.

Samantala,patuloy ang isinasagawang pagtugis sa mga rebeldeng NPA.



Facebook Comments